Libreng konsultasyon sa teleponong serbisyo para sa dayuhan
Yorisoi Hotline (Helpline para sa dayuhan)
0120-279-338
Lunes 16:00 – 22:00
Martes (2nd, 4th) 16:00 – 22:00
Miyerkoles 10:00 – 16:00
Biyernes 10:00 -16:00
Sabado 16:00 – 22:00
0120-279-226 (Para sa nasalantang lugar IWATE・MIYAGI・FUKUSHIMA)
Lunes 16:00 – 22:00
Martes (2nd, 4th) 16:00 – 22:00
Huwebes 10:00 – 16:00
Biyernes 10:00 – 16:00
Sabado 16:00 – 22:00
Para sa iba’ t-ibang salita, paki-press ang 2 pagkatapos na marinig ang paunang paliwanag.
Maaaring magkonsulta araw-araw simulang alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi, at puwede itong tumanggap ng tawag mula sa lahat ng lugar sa Japan.
Liban sa salitang Hapon, maaaring magkonsulta sa Englis, Tagalog, Korean, Chinese, Spanish, Portuguese ,Thai,Vietnamese,Nepali,Indonesian at iba pa.Ang konsultasyon sa iba’ t-ibang salita ay hindi pare-pareho, ito’ y depende sa oras.
Ang mga lenguahe na ito ay maari pang madagdagan.
May problema ba kayo sa visa, nasyonalidad, pamilya, trabaho,pag aaral,problema sa pamilya, pang-araw-araw na buhay, diskriminasyon, domestic violence, kinukulong or human trafficking.
Pangangalagaan ang inyong privacy. Walang bayad ang pagtawag dito.
Liban sa pagtawag sa telepono ay maaaring kumunsulta sa pamamagitan ng Facebook.Para sa mga nais kumunsulta sa Facebook ay maari lamang mag iwan po kayo ng message sa aming Homepage
https://www.facebook.com/yorisoi2foreign
Pangkalahatang Asosasyon Incorporada ng Social Inclusion Support Center
Ang Yorisoi Hotline ay modelong proyekto ng Ministry of Health, Labor and Welfare